MANILA, Philippines - Inianunsyo kahapon ng Department of FoÂreign Affairs (DFA) na ipi-phase out na ang lahat ng lumang pasaporte na Machine Readable Passport bilang pagsunod sa standard at panuntunan na hinihingi ng International Civil Aviation Organization (ICAO).
Ayon sa DFA, ang lahat ng non-machine readable passport ay hindi na mai-extend pagkatapos ang Oktubre 31, 2015 at kumpletong mapi-phase out sa Nobyembre 24, 2015.
Sinabi ng DFA na ang lahat ng mga Pinoy na may hawak ding Machine Readable-Ready Passports (MRRP; kulay green passports) at Machine Readable Passports (MRP; kulay maroon passports) ay hindi na pinapayagan na makapag-apply para sa extension ng validity ng pasaporte matapos ang Oktubre 31, 2015.
Ipinaliwanag ng DFA na kailangan nang mag-apply ng bagong e-Passport bago ang expiration ng kanilang hawak na MRRP (green) o MRP (maroon) passports na siyang kikilalanin ng immigration sa buong mundo.
Ang mga mabibigong magpalit ng pasaporte ay tiyak umanong makararanas ng problema sa immigration checks sa kanilang pagbiyahe sa anumang ports of entry sa buong mundo matapos ang Oktubre 2015.
Pinaalalahanan din ng DFA ang mga passport holders sa mahigpit na regulasyon at alintuntunin sa pag-aapply ng extension ng validity ng mapapaso o na-expired ng passports.
Ang mga pasaporte na balido ng pababa sa anim na buwan o kaya sa mga na-expire na ay maaaring mapalawig lamang sa oras ng medical emergency o may mahigpit na kadahilanan tulad ng isang OFW na kailangang umuwi sa Pilipinas dahil namatayan ng kanyang miyembro ng pamilya, sa OFW na may matinding sakit na kailangang dalhin sa ibang bansa para sa medical treatment, at sa mga papauwing Pinoy mula sa Middle East na may hawak na final exit visas.
Sa nasabing usapin, kailangan lamang umaÂnong ipakita at iprisinta ang “proof of urgency†tulad ng kopya ng death certificate, medical certificate, at valid employment contracts na prinoseso ng POEA or anumang Philippine Overseas Labor Offices (POLO), kasama ang kanilang plane tickets na may kumpirmadong flight details.