ERC commissioners pinagre-resign
MANILA, Philippines - Bukod kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Zenaida Ducut, pinagbibitiw na rin sa pwesto ang lahat ng commissioners ng ahensiya.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ang ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema para sa power rate hike ay patunay lamang na minadali at hindi makatwiran ang pag-apruba ng ERC sa pagtataas ng singil sa kuryente ng Meralco.
Dahil dito kayat nagkaroon na ng kalituhan sa consumers ng ipalabas ng Korte Suprema ang TRO.
Dahil dito kayat hinikayat din ng kongresista ang mga consumer na huwag munang bayaran ang kanilang bills sa buwan ng Disyembew hanggang hindi nililinaw ng Meralco kung magkano sa nasabing bill ang hinarang ng Korte.
Bukod dito hindi rin umano dapat magpalabas ng disconnection notice ang Meralco dahil sumusunod lang naman ang mga consumers sa kautusan ng Korte.
- Latest