MANILA, Philippines - Hindi na problema ngayon ang panggastos ng mga taga-QC sa mga requirements nito sa trabaho sa lunsod.
Ito ay makaraang aprubahan ng QC Council ang ordiÂnansa ni QC Councilor Donato Matias na layuning mabigyan ng financial assistance ang mga qualified city residents na kukuha ng kanilang pre-employment requirements tulad ng NBI certification, police clearance, medical certificate, Mayor’s permit, court clearances at iba pang dokumento na kailangan ng mga employers.
Ang lokal na pamahalaan ay maglalaan ng P1 milyong budget para pondohan ang programang ito na tinatawag na “Hanap Na, Pay Later.â€
Nakasaad pa sa ordinansa na may maximum na financial assistance na P2, 000 ang mga jobseekers at babayaran nila ito ng installments oras na magkatrabaho.
Ang mga jobseekers na nais na sumailalim sa naturang programa ay dapat na mag-enroll sa public employment and services office (PESO) ng QC na siyang tagapangasiwa sa naturang proyekto.