‘Pork’ ng Hudikatura pinapa-audit
MANILA, Philippines - HInikayat ng isang mambabatas si Commission om Audit (COA) Chairperson Grace Pulido Tan na magsagawa ng special audit sa kontroÂbersyal na P1.775 bilyon Judiciary Development Fund (JDF) o ang pork barrel sa Hudikatura.
Sinabi ni Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga na nais nila at ng taumbayan na malaman kung paano nagagastos ang pondo ng Hudikatura.
Giit ni Barzaga, dapat din na idaan sa pagbusisi ang JDF alang-alang sa transaparency at accountability ng paggamit ng pondo sa mga sangay ng gobyerno tulad ng ginawa sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.
Paliwanag pa ng kongresista na hindi maaaring ipilit ng Hudikatura ang fiscal autonomy para makaiwas sa imbestigasyon ng kongreso dahil ito ay dapat nakakasunod sa itinatakdang fiscal accountability and responsibility.
Ang desisyon ng SC sa PDAF ay malugod nilang tinanggap at hindi sila nagprotesta kahit na lubhang masasaktan ang kanilang constituent kaya marapat lamang daw na kapag nagsagawa din ng imbestigasyon ang Kamara tungkol sa pork barrel ng Hudikatura ay dapat din itong irespeto ng Korte Suprema.
Siniguro naman ni Barzaga na sakaling sa pagÂhimay ng JDF ay mapatunayan ang iregularidad ay tiyak na hahantong ito sa paghahain ng impeachment complaint laban sa mga mahistrado ng Korte Suprema.
- Latest