MANILA, Philippines - Panibagong pagtataas sa presyo ng diesel ang naging aginaldo ng mga kumpanya ng langis sa bansa makaraang magpatupad ng panibagong galaw sa presyo kahapon ng umaga.
Unang nag-anunsyo ng pagtataas ang Pilipinas Shell, Petron Corporation at Total Philippines ng P.10 kada litro sa presyo ng diesel. Wala namang paggalaw sa presyo ng premium at unleaded gasoline.
Nagbigay rin naman ng pamasko ang mga kumpanya ng langis sa pagtapyas ng P.15 kada litro sa presyo ng kerosene.
Samantala, inaasahan naman na bababa ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa darating na Enero 2014.
Sinabi ni LPG MarÂketers Association partylist Rep. Arnel Ty na nagkaroon ng pagbaba sa demand o pangangaÂilangan sa cooking gas sa internasyunal na merkado na inaasahang dahilan sa pagbaba sa contract price.
Hindi pa naman makapagbigay ng eksaktong halaga ang LPGMA na maibababa sa presyo ng LPG pero sa kanilang tantiya ay nasa 30% ng pinakahuling pagtataas na umabot ng P14 kada kilo.