Naputukan, mahigit 20 na
MANILA, Philippines - Sa loob lamang ng dalawang araw, halos dumoble na ang bilang ng mga biktima ng paputok sa loob lamang ng dalawang araw matapos ang pagsisimula ng Department of Health (DOH) ng kanilang monitoring sa firecracker related injuries.
Ayon kay DOH spokesman Dr. Eric Tayag, mula sa 13 naitala kahapon, umaabot na ngayon sa 21 ang pumasok sa kanilang record.
Pinakamarami sa mga naputukan ay biktima ng piccolo, pangalawa ay dahil sa five star, habang ang iba ay sanhi ng iba pang firecrackers.
Lumalabas na noong nakaraang taon ay ganito rin ang bilang ng mga tinamaan ng paputok.
Umaasa si Tayag na mas magiging mababa ngayon ang mapuputukan dahil sa panawagan nilang ibili na lang ng relief goods para sa mga biktima ng kalamidad ang gagastusin sa firecrackers.
- Latest