^

Bansa

Villar nagbigay ng tulong sa 4 lugar sa Leyte na apektado ng Yolanda

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbigay ng tulong si Senator Cynthia Villar sa apat na lugar sa Leyte na matinding naapektuhan ng super typhoon ‘Yolanda’ nang magtungo siya rito bilang bahagi ng kasalukuyang “rehabilitation” at “rebuilding efforts” ng pamahalaan.

Namahagi si Villar ng farm implements mula sa Department of Agriculture sa may 500 pamilya sa mga munisipalidad ng Dulag, Julita, Mayorga at Ta­nuan. Ito ay kinabibila­ngan ng 75 bag ng vegetable seeds gaya ng mais, pechay, kamatis, okra at ampalaya at 100 coconut seedling. Nagkaloob din ang Villar Foundation ng 500 bag ng organic fertilizer.

“We need to help Leytenos to get back on their feet. The sooner the farmers and fishermen start planting and fishing again, the sooner their lives will normalize,” ayon kay Villar, chair ng senate committee on food and agriculture.

Dahil sa one-third ng mga nagtratrabaho sa Leyte ay nasa sektor ng agrikultura, sinabi ni Villar na ito ang kanilang kasalukuyang tinututukan.

 

DAHIL

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DULAG

JULITA

LEYTE

LEYTENOS

MAYORGA

SENATOR CYNTHIA VILLAR

VILLAR FOUNDATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with