MANILA, Philippines - Sasamahan at aalaÂyan ni Albay Gov. Joey Salceda at ng humanitarian Team Albay ng masayang Noche Buena sa Disyembre 24 ang mga biktima ni supertyphoon Yolanda sa Bassey, Eastern Samar.
Naging tradisyon na kay Salceda na makiisa at samahan ang mga biktima kung may kalamidad na nagsimula sa kanyang mga kalalawigan. Nagpasko siya sa Cagayan de Oro matapos manalasa doon si typhoon Sendong noong 2011; sa Cateel, Davao Oriental nang padapin ito ni typhoon Pablo noong 2012. Noong 2011, naghandog din siya ng Valentine party sa Guihulngan, Negros Oriental na sinalasa din ng bagyo. Sa mga ito, kasama niya ang humanitarian Team Albay.
Ngayong pasko, napili nila na handugan ng noche buena at samahan ang mga biktima ni Yolanda sa Bgy. Centro Marabut at San Antonio sa Bassey, Eastern Samar. May mga mascot at payaso ang gaganaping noche buena para mapasaya ang mga nasalanta, lalo na ang mga bata. Katuwang ang mga mamamayan doon sa paghahanda ng pagkain at pag-aayos ng dadausang tents.
Ang Bassey ay mayroong 51 barangay at populasyong 51,391. Mga 4,371 pamahayan doon ang sinalanta ni Yolanda. Ang dumanas ng pinakamalupit na hagupit ay ang Bgy. San Antonio na may populasyong 2,715 o 680 pamilya. Isa ito sa mga tinulungan ng Team Albay kamakailan.