MANILA, Philippines - Pulitika, rido at droga ang tatlong anggulo na masusing sinisilip ng binuong Special Investigation Task Group hinggil sa posibleng motibo ng pagpatay kay Labangan, Zamboanga del Sur MaÂyor Ukol Talumpa at tatlong iba pa sa NAIA terminal 3, Pasay City kamakalawa.
“Political and rido are the possible motive on the case. The Zamboanga del Sur Provincial Police Office Director is also tasked to conduct an in-depth investigation,†ayon sa initial na report na isinumite kay PNP Chief Director General Alan Purisima.
Sinabi naman ni Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, kilala si Mayor Talumpa sa mahigpit na krusada nito laban sa illegal na droga sa kanilang lugar.
Nabatid na naging mahigpit namang katunggali ng biktima sa pulitika si Wilson Kity Nandang na natalo sa eleksyon nitong Mayo. Si Nandang ay dating alkalde sa LabaÂngan at dati nitong bise si Talumpa.
Ang nasawing alkalde ay dalawang beses ng pinagtangkaan ang buhay kung saan sa ikatlong pagtatangka ay nagtagumpay ang mga salarin matapos itong abangan at pagbabarilin sa arrival area ng NAIA 3 ilang oras matapos na lumapag sa paliparan nitong Biyernes.
Samantala tatlong buwan na ang nakalilipas ay inambush at namatay rin ang anak na lalaki ni Nandang sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte na ang hinihinalang nasa likod ay ang kampo ng alkalde.
Ayon naman kay NCRPO Director P/Chief Supt. Carmelo Valmoria, tatlong testigo na ang hawak ng mga awtoridad upang mabigyang linaw ang insidente.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na ang alkalde ang tunay na target ng mga salarin at nadamay lamang ang misis nito ilang mga kamag-anak at maging ang mga inosenteng pasahero na nakasabay ng mayor sa arrival area habang naghihintay ng sundo.
Sinabi ni Valmoria na ang mga biktima ay napuruhan sa ulo at dibdib ng mga suspek na nagpanggap na mga pulis na nakasuot ng PNP uniform, jacket na itim at bullcap at mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.
Kabilang rin sa nasawi ay ang misis ni Talumpa na si Lea, Saripudon Talumpa, pamangkin ng alkalde at 18 buwang si Gil Thomas Estueta Lirasan ng Bacolod City, Negros Occidental.
Sugatan ang ina ni Lirasan na si Mary Ann, 28; lolang si Amalia Lirasan, 58 at pinsang si Dianne Uy. Magbabakasyon lamang sa Maynila ang pamilya Lirasan ng maÂdamay sa pamamaril.
Aminado naman ang Special Investigation Task Group Ukol na pahirapan sa kanila ang agarang pagresolba sa kaso lalo na’t walang CCTV caÂmera sa arrival area ng paliparan sa mismong pinangyarihan ng krimen maliban na lamang sa mga larawan na kuha ng mga netizens at testimonya ng mga testigo.