MANILA, Philippines - Walang bakasyon para kay Pampanga Congresswoman at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo pero makakasama pa rin niya ang kanyang pamilya sa Kapaskuhan sa kinaraÂtayan niyang ospital.
Pinayagan kahapon ng First Division ng Sandiganbayan ang pamilya ni Arroyo na madalaw siya sa kanyang silid (detention quarter) sa Veterans Memorial Medical Center sa Disyembre 24, 25, 31, 2013 at sa Enero 1, 2014 para sama-sama nilang maipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.
Sa kautusan ng korte maaaring manatili sa kuwarto ni Arroyo ang mga miyembro ng kanyang pamilya paglagpas ng alas-9:30 ng gabi sa Disyembre 24 at 31 para makasama siya sa holiday season.
Ayon sa chief of staff ni Arroyo na si Raul Lambino, mabuti ang kaganapang ito sa dating pangulo na nalalagay ngayon sa panganib ang buhay dahil sa kumplikasyon mula sa cervical spine surgery nito.
“Doctors na ang nagsasabi lalong lumubha ang kanyang karamdaman. They have already testified. Pinatawag na ang doctors, sila ang nag-conduct ng examination, testimony. Members of the court asked doctors, ‘Ano kalagayan?’ Sinabi ng doctors, ‘namemeligro ang kalagayan,’ †sabi ni Lambino.
Nasa ilalim ng hospital arrest hanggang sa kasalukuyan si Arroyo mula nang makasuhan ng electoral sabotage noong 2011 makaraang pagbawalan siyang makalabas ng bansa. Nahaharap din siya sa kasong plunder dahil umano sa ma ling paggamit ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong panahon ng kanyang administrasyon.
Ikinatuwa naman ng Malacañang ang naging desisyon ng Sandiganbayan matapos payagan ng korte na makasama ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang kanyang pa milya ngayong Pasko at Bagong Taon.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. na natutuwa ang Palasyo sa naging desisyon ng korte matapos payagang makasama ni CGMA ang kanyang pamilya ngayong Pasko at New Year.
Hindi makakalabas ng kanyang silid ang dating Pangulo sa Pasko at Bagong Taon pero pinayagan ang pamilya nito na manatili kahit lampas ng 9 p.m. upang makasama si Mrs. Arroyo para sa Noche Buena at Media Noche.