^

Bansa

280 pang stranded Pinoy sa Saudi nakauwi na

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumating na sa bansa kahapon ang 280 Pinoy na stranded sa Saudi Arabia.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Adminsitration (OWWA), mula sa nasabing bilang ay 186 kababaihan at 94 mga bata ang dumating sa NAIA mula Jeddah lulan ng chartered flight Saudia Airlines flight SV 3876 dakong alas-11 ng umaga.

Ang mga OFW at kanilang mga anak ay sinalubong ng OWWA Repatriation Assistance Team at inasistihan sa kanilang mga papeles paglapag sa paliparan.

Kamakalawa ay unang dumating ang may 257 OFWs na kabilang sa mga nanirahan sa “Tent City” na binigyan din ng assistance ng OWWA sa kanilang pagdating sa NAIA.

Ang mga retruning OFWs ay aalukan ng  Reintegration Program partikular ang “Balik-Pilipinas, Balik-Hanapbuhay” ng Department of Labor and Employment at Livelihood Assistance Program ng OWWA.

vuukle comment

AYON

BALIK-HANAPBUHAY

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

LIVELIHOOD ASSISTANCE PROGRAM

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINSITRATION

REINTEGRATION PROGRAM

REPATRIATION ASSISTANCE TEAM

SAUDI ARABIA

SAUDIA AIRLINES

TENT CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with