MANILA, Philippines - Posibleng tumaas pa ang singil sa kuryente at madagdagan ang pasanin ng mga consumers.
Ito ang babala ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone dahil ipapasa na rin sa publiko ang gastos sa maintenance ng Malampaya natural gas facility dahil nakasaad umano ito sa concession agreement para sa operasyon ng Malampaya.
Ang tatlong hati ng singil umano sa power consumers na P4.15 ay maituturing na tatlong kurot pa lamang at may naghihintay pang sampal sa power consumers sa mga susunod na araw.
Bunsod dito kayat iginiit ni Evardone na kailangang i-review ang concession agreement ng Malampaya para matukoy kung protektado ba dito ang interes ng publiko.
Para naman kay House Majority leader Neptali Gonzales II na kailangan ng magkaroon ng permanenteng solusyon sa patuloy na pagtaas sa singil sa kuryente at ito ay sa pamamamagitan ng Epira Law.
Kapag na-review na umano ang Epira Law ay kasabay na rin mabubuksan ang pagrebisa sa Oil Deregulation Law na siyang tutugon naman sa pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Samantala, iginiit naman kahapon ng Malacañang na hintayin muna ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Department of Justice at Department of Energy hinggil sa pagtataas ng singil sa kuryente.
Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., ang sinisiyasat ng DoJ at DoE ay ang sinasabing posibleng sabwatan ng mga energy players gaya ng mga power producers na naging sanhi ng pagtataas ng power charge ng Meralco bunsod ng shutdown ng Malampaya power plant na sumailalim sa rehabilitation.
Sinabi pa ni Sec. Coloma, mahirap namang gumawa kaagad ng konklusyon gayung isinasagawa lamang ang imbestigasyon dito dahil kasalukuyang inaalam pa ng 2 ahensiya ang mga nakalap nitong mga impormasyon kaugnay sa alegasyon ng sabwatan.
Sakaling mapatunaÂyan na nagkaroon talaga ng sabwatan ay mapaparusahan ang sinumang sangkot sa pang-aabusong ito.
Wala namang komento ang Palasyo sa mga paÂnawagan sa pagbibitiw sa puwesto ni ERC chairperson Zenaida Ducut dahil sa pagkakaapruba ng P4/kilowatt hour na pagtataas sa power rate gayundin sa pagkakasangkot ng dating mambabatas sa pork barrel scam.