Nagsabwatan para sa mataas na singil sa kuryente parusahan! -Solon

MANILA, Philippines - Pinasisiguro ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone sa Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na mapaparusahan ang mga kumpanya ng kuryente na umanoy nagsabwatan kaya naging sanhi ito ng mataas na singil ng kuryente.

Ayon kay Evardone, dapat magawa nina ERC chairman Zenaida Ducut at DOE secretary Jericho Petilla na matukoy ang mga taong nasa likod ng sabwatan para papanagutin  ang mga ito sa batas.

Para naman kay Quezon City Rep.Winston Castelo, kailangang magpakita ng ngipin ang ERC at DOE para hindi magmukhang rubber lamang ng mga power firms na taga apruba ng power rate hike.

Giit ni Castelo, matagal nang hinahanapan ng taumbayan ng tapang ang ERC at DOE para kastiguhin ang pagsasamantala ng mga negosyante sa Energy Sector.

 

Show comments