^

Bansa

Babala vs power hike Maliliit na negosyo magsasara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa malaking power rate increase, nagbabala si Valenzuela Rep. Sherwin Gatcha­lian na posibleng magsipagsara ang maraming maliliit na negosyo kung hindi ito mapipigilan ng gobyerno.

Sinabi ni Gatchalian na kapag nangyari ito ay tiyak na kasunod ng pagsasara ng mga negosyo ang mass layoff ng mga empleyado.

Sa kanya umanong konsultasyon sa mga negos­yante kaugnay ng epekto ng P4.15 na power rate hike ay marami sa mga ito ang nangangamba na sa kanilang survival.

Iginiit ni Gatchalian na kailangang agapan ng gobyerno ang mala­king power rate hike dahil mas­yadong mabigat ang impact nito sa ekonomiya.

Ito ay dahil sa 99 porsiyento ng mga negosyo sa bansa ay fa­mily owned na small and medium enterprises na delikadong malagay sa alanganin dahil sa singil sa kuryente.

Kung magiging pabigat umano ang malaking umento sa power rate sa loob ng apat na buwan ay hindi malayo ang posibilidad na maging ang malalaking industriya at negosyo ay padapain din nito.

DAHIL

GATCHALIAN

IGINIIT

SHERWIN GATCHA

SHY

SINABI

VALENZUELA REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with