Enrile, ayaw tantanan ni Miriam
MANILA, Philippines - Sumulat kahapon si Senator Miriam Defensor-Santiago kay Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano upang maghain ng reklamo laban kay Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.
Sa sulat ni Santiago, inireklamo nito ang “disorderly behavior†si Enrile dahil sa personal na pag-atakeng ginawa sa kanya sa privilege speech nito noong Nobyembre 27.
Kabilang umano sa mga nilabag ni Enrile ang Senate Rules 34 tungkol sa “unparliamentry act at language.
Ayon kay Santiago, ituturing na unparliamentary ang ugali at lenguwahe ng isang senador kung may na-offend itong kapwa senador.
Sinabi pa ni Santiago, ang isang senador na mapapatunayan ng Senate Committee on Ethics na guilty ng “disorderly behavior†ay maaring ma-suspinde o matanggal bilang miyembro ng Senado.
- Latest