MANILA, Philippines - Tutol si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sa pagsasampa ng impeachment complaint laban sa mga mahistrado ng Supreme Court (SC).
Ayon kay Belmonte, kung gagawin ni Oriental Rep. Reynaldo Umali ang pagsasampa ng impeachment complaint laban sa mga mahistrado ay kanya lamang itong sariling hakbang at hindi nangangahulugan na pabor na ang mahigit sa 200 na kongresista.
Sinabi pa ni Speaker, bagamat apektado sila sa naÂging desisyon ng SC ay hindi pa ito sapat maging grounds para sampahan ng impeachment complaint ang mga mahistrado.
Mas maganda na lamang umano ay huwag silang makialam at hindi na magbigay ng anumang pressure sa Korte Suprema.
Naniniwala si Belmonte na hindi susuportahan ng mayorya ng mga mambabatas ang isinusulong ni Umali.
Matatandaan na nagbanta si Umali na sasampahan ng impeachment ang mga mahistrado ng Korte Suprema dahil sa flip-flopping sa kaso ni Marinduque Rep. Gina Reyes, hindi pagkilala sa kapangyarihan ng Kongreso at ang pakikialam nito sa Lehislatura.