MANILA, Philippines - Habang patuloy ang pagtaas sa singil sa kurÂyente sa bansa, isinusulong ngayon ng Department of Energy (DOE) ang paggamit ng mga konsyumer ng “solar energy†lalo na sa mga gumagamit ng enerhiya na hindi tataas sa 100 kilowatt hour kada buwan.
Nakatakdang ilunsad ng DOE at ng National Renewable Energy Board (NREB) ang kanilang “Net Metering Reference Guide: How to avail of solar roof tops and other renewables below 100kWh in the Philippinesâ€.
Ang naturang guidebook ang magsisilbing gabay sa mga konsyumer na nais na gumamit ng mga alternatibong “renewable energy (RE)†sa kanilang mga tahanan o gusali upang makaiwas sa matataas na singil sa kuryente.
Kabilang dito ang pagkakabit ng “solar photovoltaic system†sa mga bubungan ng bahay. Kahit na medyo mahal sa instalasyon, tinitiyak naman ng DOE na higit na malaki ang matitipid ng mga konsyumer sa kanilang electric bills kada buwan.
Nakatakdang ilunsad ang “Net Metering Guide†sa Disyembre 10 sa Intercontinental Hotel sa Makati City. Bukod sa book launch, magsasagawa rin umano ang DOE at NREB ng iba’t-ibang uri ng promosyon sa buong bansa para mapalakas ang paggamit ng solar energy.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang 5,521 megawatts na kapasidad ang naikakabit sa buong bansa at target na madoble ito ng DOE sa 2030.