MANILA, Philippines - Matapos ang taas-presyo sa LPG, petrolyo at singil sa kuryente ay public consultation naman para sa LRT/MRT fare hike ang takdang idaos.
Ayon kay LRTA spokesman Atty. Hernando Cabrera, ang LRT/MRT Fare Adjustment Public Consultation ay itinakda sa Disyembre 12.
Sinabi ni Cabrera na bukas ang naturang konsultasyon para sa lahat ng kilalang grupo sa bansa at sa sinumang indibidwal na nais na makiisa rito.
Sinabi naman ni DOTC Secretary Joseph Abaya na una nang plinano ang pagpapatupad ng fare hike sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3, may ilang buwan na ang nakakaraan ngunit hindi natuloy dahil nais muna nilang makapagdaos ng public hearing hinggil dito.
Ang resulta umano ng hearing ang pagbabasehan ng anumang desisyon hinggil sa panukalang fare adjustment sa tatlong railway lines.
Noong Hunyo pa inaÂpÂruÂbahan ng LRTA ang rate increase na P10 ngayong 2013 at P5 sa taong 2014, upang makabawi ang gobyerno sa binabalikat nitong operaÂting costs ng railway lines, ngunit mariin itong binatikos at tinutulan ng mga commuters at militanteng grupo.
Sa kasalukuyan ang pasahe sa MRT-3 at LRT-2 ay nasa P15 bawat pasahero habang P12 hanggang P20 sa LRT-1 sa single journey.