^

Bansa

SC kay Kapunan: Corruption sa judiciary ipaliwanag!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang dating abogado ni Janet Lim-Napoles hinggil sa pahayag nito ng malawakang katiwalian sa hudikatura.

Binigyan ng 10 araw si Atty. Lorna Kapunan para bigyang linaw nito ang kanyang naging pahayag sa telebisyon na  may kilala umano siyang mahistrado na binabayaran umano ng mga litigants upang paboran.

Subalit nilinaw sa reso­lusyon ng SC na hindi umano nangangahulugan na may kaso ito.

Bukod sa umano’y corruption sa SC, sinabi din ni Kapunan na may nalalaman din umano siyang corruption sa Court of Appeals (CA).

Binigyan diin nito sa isang panayam na ang  isang restraining order sa appellate court ay maaa­ring makuha sa hala­gang P5 million.

Dating kliyente ni Kapunan si Napoles na sinasabing utak sa P10 billion “pork barrel” scam at ngayon ay nahaharap sa kasong plunder at malversation sa Ombudsman.

Samantala, sinabi naman ni Kapunanan na handa siyang ipaliwanag ang kanyang na­ging pahayag kaugnay sa katiwalian sa sangay ng hudikatura.

Tinutukoy ni Kapunan ang naging deklarasyon ni Chie Justice Sereno noong September na dapat ilantad ng mga abogado kung sinu-sino ang mga â€œhoodlums in robes” na sumisira sa reputasyon ng  hudikatura.

BINIGYAN

BUKOD

CHIE JUSTICE SERENO

COURT OF APPEALS

JANET LIM-NAPOLES

KAPUNAN

KORTE SUPREMA

LORNA KAPUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with