MANILA, Philippines - Hindi itinuturing ni Interior and Local GovernÂment Secretary Mar Roxas na banta si dating Senador at ngayo’y Rehabilitation Czar Panfilo “ Ping†Lacson sa 2016 presidential elections.
Ito’y sa gitna na rin ng maugong na nakaungos na si Ping kay Mar matapos na italagang Rehabilitation Czar ni Pangulong Aquino sa mga lugar na grabeng sinalanta ni super typhoon Yolanda partikular na sa Visayas Region.
Sinasabing ang dalawang opisyal ay posibleng magtapatan bilang mga presidentiables sa 2016 polls, o dalawa at kalahating taon bago ang pagbaba sa puwesto ni PNoy.
“Palagay ko walang nag-iisip ng ganun,†ani Roxas ng matanong kung itinuturing nitong banta sa kaniyang posibleng pagtakbong Pangulo si Ping kasabay ng paggiit na sa kasalukuyan ay abala ang gobyerno para sa rehabilitasyon upang makabangon ang mga lugar na grabeng tinamaan ni Yolanda.
Nitong Martes ay sinabi ni PNoy na hindi pa nila napipisil na standard bearer ng Liberal Party sa presidential elections si Roxas.