MANILA, Philippines - Mistulang bulkang sumaÂbog kahapon si Senator Miriam Defensor-Santiago matapos harapan nitong banatan si SeÂnate Minority Leader Juan Ponce Enrile na tinawag niyang sinungaling at kriminal.
Sa 45-minutong privilege speech ni Santiago inisa-isa nito ang mga dati ng akusasyon kay Enrile katulad ng mga krimen na nagawa umano nito noong panahon ng Martial Law habang siya pa ang defense secretary ng bansa.
Ayon kay Santiago, sinungaling si Enrile lalo ng sabihin nito na inambush siya noong panahon ni daÂting Pangulong Ferdinand Marcos na naging basehan para ideklara ang Batas Militar.
“My attacker (Enrile) is the icon of shameless lying…The man is an incorrigible liar and criminal, as brought out by the litany of his crimes against the Filipino people,†sabi ni Santiago sa unang bahagi ng kanyang talumpati.
Isinisi rin ni Santiago kay Enrile ang diumano’y pagkamatay ng nasa 4,000 mamamayan na sinalvaged noong panahon ni Marcos.
“Enrile’s hands are forever stained with the blood of close to 4,000 people salvaged during Marcos’ reign of terror…Enrile exposed himself as a liar,†sabi ni Santiago.
Habang nagsasalita si Santiago, may mga pagkakataon na dinuduro nito si Enrile na nakaupo malapit sa kinakatayuan niya na paminsan-minsang tumatawa o kaya ay ginagamit ang hawak na mini-ipad.
Sinabi pa ni Santiago na si Enrile ang maitutuÂring na “mastermind of the biggest plunder case in Philippine historyâ€.
Si Enrile ang nakatanggap ng pinakamalaking pork barrel sa pagitan ng 2005 hanggang 2013 na umaabot sa P1.189 bilyon.
Muling inungkat ni Santiago ang pagkakasangkot ni Enrile sa pork barrel scam at posible umano itong makulong sa loob ng 30 taon kapag nasentensiyahan sa Sandiganbayan bagaman at puwedeng mapababa ang sentensiya dahil sa kanyang edad.
Tinawag din ni Santiago si Enrile na “king of smuggÂling empire†dahil ito ang nagsulong na magkaroon ng Cagayan Economic Zone o CEZA kung saan umano talamak ang smuggling ng mga mamahaling sasakyan.
Kinuwestiyon din ni Santiago ang pagbibigay ng pondo ng gobyerno sa CEZA kung saan kumikita umano si Enrile.
“Bakit tayo magbabayad para kumita itong smuggler na ito?†sabi ni Santiago.
Binanggit din ni Santiago na ang CEZA na nasa port Irene sa Cagayan ecozone ay isang gambling empire.
Tinawag din ni Santiago si Enrile na ‘king of Martial Law illegal logging empire’ matapos maipagkaloob umano dito ang 95,770 hectares na logging concession noong panahon ng Martial Law.
Inakusahan din ni Santiago si Enrile na isang babaero o “psychopathic hypersexualized serial womanizer†na hiniwalayan umano ng kanyang asawa matapos maugnay sa kanyang chief of staff na si Atty. Gigi Gonzales-Reyes.
Sinabi pa ni Santiago na pumapatol din umano si Enrile sa mga domestic helpers, cooks at mga assistants.
“Walang pinapatawad ito kaya ayaw kong tumabi sa kanya baka magka-HIV ako eh,†anang senadora.
Inakusahan din ni Santiago si Enrile na tinangkang i-pressure ang kanyang asawa na dating customs collector na i-release ang isang smuggled Toyota car na hindi nagbayad ng tamang buwis kaya na-forfeit.
Tinawag din ni Santiago si dating Senator Panfilo Lacson na attack dog umano ni Enrile na nagtago sa Cagayan habang pinaghahanap ng batas.
Sa pagtatapos ng talumpati ni Santiago, hinamon nito si Enrile na makipag-debate sa kanya kaugnay sa plunder charges na isinampa laban sa senador.
Nais ni Santiago na gawin ang debate sa U.P. Malcolm Theater at ang mga estudyanteng may I.D. lamang ang maaring papasukin upang hindi umano mahaluan ng mga partisan crowd na puwedeng hakutin ni Enrile.