MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng Supreme Court (SC) ang apela ni dating Technology Resource Center (TRC) director general Antonio Ortiz na ihinto ang ginagawang imÂbestigasyon ng Office of the Ombudsman laban sa mga sangkot sa kontrobersiyal na “pork barrel†fund scandal.
Sa en banc resolution, isinantabi ng SC ang petisyon ni Ortiz laban sa preliminary investigation ng anti-graft court kina Sens. Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Si Ortiz ay kasama sa unang batch na idinemanda ng plunder ng Department of Justice sa Ombudsman dahil siya umano ang nag-apruba ng kabayaran at lumagda sa mga tseke sa mga NGOs na konektado sa negosyanteng si Janet Lim Napoles, ang umano’y choice na tagapagpatupad ng mga mambabatas ng kanilang PDAF Projects.
Pinaliwanag din ng SC na nabigo si Ortiz na patunayan na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig nina Ombudsman Conchita Carpio Morales, Justice Sec. Leila de Lima at NBI OIC Medardo de Lemos.
Giit ni Ortiz, ang mga nasabing kaso ay nagpapakita ng discriminatory at pagiging selective prosecution na paglabag sa equal protection na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.
Noong Setyembre, isinampa ng NBI ang kaso laban kay Enrile, Revilla, Estrada, Ortiz at iba, kaugnay sa sinasabing maanomalyang paggamit ng PDAF. Batay sa alegasyon, ang nasabing PDAF ng mga sangkot na mambabatas ay idinaan sa TRC, sa pamumuno noon ni Ortiz at sa mga bogus NGOs ni Napoles.