Parak ‘tinalo’ ng akyat-bahay
MANILA, Philippines - Isa sa tatlong miyemÂbro ng akyat-bahay na nanÂloob sa bahay ng isang parak ang nadakip kahapon sa lungsod Quezon.
Gayunman, malas pa ring maituturing si SPO1 Ariel Barong, dahil ang kanyang mga alahas na may kabuuang halagang P120,000 ay hindi na naÂrekober matapos madala ng mga nakatakas na suspek.
Nakilala naman ang naÂdakip na si Richard Carillo, 20, ng Brgy. Sauyo.
Ayon kay Supt. Michael Macapagal, hepe ng Talipapa police station, nilooban nina Carillo at dalawa pang kasamahan ang bahay ni Barong na matatagpuan sa Tierra Bella Homes, Tandang Sora Ave. sa Brgy. Culiat.
Bago nito, si Barong na nakatalaga sa Police Security and Protection Group ay umalis ng kanyang bahay ganap na alas- 4:20 ng hapon.
Iyon naman ay sinaÂmanÂtala ng mga suspek at pinasok ang bahay ng pulis sa pagmamagitan ng pagsira sa padlock ng unahang pintuan.
Natangay ng mga susÂpek ang P60,000 cash, isang gold necklace (P20,000), isang gold ring (P10,000), isang Seiko gold plated wristwatch (P15,000), isang CitiÂzen silver wristwatch (P10,000), at isang gold bracelet (P5,000).
Gayunman, maagang buÂmalik sa bahay si Barong at naaktuhan pa nito sa loob ng bahay ang mga suspect.
Dahil dito, mabilis na tumakbo palabas ng bahay sina Carillo at mga kasamahan nito, hanggang sa maÂsabat ang una ng nagpapatrulyang pulis na si PO2 Jose Poral at maÂaresto. Habang naÂkaÂtakas ang dalawang kasamahan nito.
- Latest