MANILA, Philippines - Tinawag na “very good choice†ng mga senador ang ginawang pagkaka-appoint ni Pangulong Benigno Aquino III kay dating Senator Panfilo “Ping†Lacson bilang ‘rehabilitation czar’.
Ayon kay Senator Sonny Angara, dahil sa record ni Lacson na pagiging tapat, mawawala ang hinala at walang kukuwestyon sa kanyang kapasidad na hawakan ang bagong posisyon.
Inihayag naman ni Senator Grace Poe na makakabuti na isang katulad ni Lacson ang inilagay ng Pangulo sa nasabing posisyon dahil kilala itong disiplinado at organisado sa pamamahala.
Naniniwala naman si Senator Vicente “Tito†Sotto III na mababantayang mabuti ang bilyon-bilyong pisong rehabilitation fund sa pagkakatalaga kay Lacson.
Maging sina Senator Antonio Trillanes at Senator Serge Osmeña ay bilib sa kakayahan ni Lacson at isa umano itong “excellent choice†bilang rehabilitation czar.
Ayon kay Osmeña, makakatulong din ng malaki ang karanasan ni Lacson bilang isang dating hepe ng Philippine National Police lalo pa’t may mga naiiulat na krimen sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.