Matapos masangkot sa PDAF scam Biazon nag-resign sa BOC!

MANILA, Philippines - Nagbigay ng irrevocable resignation kay Pangulong Benigno Aquino III si Customs Commissioner Ruffy Biazon, kahapon ng hapon.

Sinabi ni Biazon, hindi siya nagbitiw dahil guilty siya sa kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman tungkol sa pork barrel scam.

Ayon kay Biazon, hindi niya papayagan masira ang  kanyang pangalan dahil lamang sa sinasabing pagkakasangkot nito sa mga pekeng NGO’s ni Janet Lim Napoles tungkol sa PDAF noong siya ay kongresista pa.

Sanabi ni Biazon, kakausapin niya’ng kanyang mga abogado para patunayan na wala siyang kinakaman tungkol sa kontrobersyal na isyu.

Si Biazon ay miyembro ng Liberal Party, na kauna-unahang party mate ni Pangulong Aquino na isinangkot sa PDAF scam.

Noong Hulyo ay unang nagbitiw sa puwesto si Biazon matapos na batikusin ang ahensiya ng umano’y pagiging walang silbi at laganap ang katiwalian noong ika-4 State of the Nation Address pero hindi tinanggap ng Pangulong Aquino ang kanyang pagbibitiw.

Agad naman tinanggap ng Palasyo ang pagbibitiw ni Biazon at malugod na pinasalamatan sa kanyang panunungkulan.

 

Show comments