MANILA, Philippines -Hinikayat ng Department of Science and TechnoÂlogy (DOST) ang mga Pinoy inventors na tumutok sa paglikha ng mga imbensyon na kokontra sa iba’t ibang uri ng kalamidad na tumatama sa bansa.
Sa pagsasalita ni DOST Secretary Mario Montejo sa harap ng Filipino Inventors Society, sinabi ng kalihim na maaaring itutok rin ng mga imbentor ang kanilang oras at talino sa mga bagay na makakalaban o makakabawas sa pinsalang dulot ng mga bagyo at maging ang “storm surgesâ€.
Isa sa nakikita ng pamahalaan na maaaring paÂngontra sa “storm surges†ay ang pagtatanim ng mga bakawan sa gilid ng karagatan bilang natural na harang ngunit baka may maiisip na iba pang teknolohiya ang mga imbentor.
Kabilang dito ang maaaring bagong teknolohiya na kahalintulad ng “jack stone at mga dike†bilang pambasag sa malalakas na alon at bagong disenyo ng mga bahay at gusali na kayang labanan ang malalakas na hangin na may kasamang tubig at alon.
Ilan sa mga imbensyon na una nang ipinadala sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Yolanda ang “solar energy lightsâ€, mga disinfectant, organikong kemikal para sa mass burial at water treatment facility.
Ang mga imbensyon naman na ipinadala para sa rescue at retrieval ay mga “unsinkable boats, multi-purpose flash lights, emergency kits at iba pa.