11-M katao naapektuhan ni Yolanda
MANILA, Philippines - Pumalo na sa 11 milÂyon ang taong naapekÂtuhan ng super typhoon Yolanda simula kahapon ng umaga.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 2,376,217 pamilya o 11,236,054 tao ang naapektuhan sa may 12,076 barangay sa 44 na probinsya ng bagyong Yolanda.
Sa nasabing bilang, 892,493 pamilya o 4,114,183 tao ang nawalan ng tirahan. kabilang ang 47,863 pamilya o 217,444 tao na nanatili sa may 1,070 evacuation centers.
Nanatili naman sa 5,632 ang nasawi, na may 26,136 sugatan at 1,759 ang patuloy na nawawala.
Ang mga bahay na winasak ni Yolanda ay umabot na sa 582,841 at ang nasira ay 586,117
Patuloy naman ang pagtaas ng halaga ng mga ari-ariang nawasak na umabot na sa P30,646,167,571.40 kabilang ang P15,620,130,890 sa imprastraktura at P15,026,036,681.40 sa agrikultura.
Sabi pa ng NDRRMC, may P718,734,749.16 relief assistance ang patuloy na ipinamamahagi sa mga apektadong pamilya.
- Latest