Record sa pagbili ng kagamitan ng DND pinalalantad
MANILA, Philippines - Hiniling ng isang anti-corruption watchdog kay Defense Secretary Voltaire Gazmin na ilabas ang records hinggil sa pagbili ng P1.763 bilyon force protection equipment para sa PhilipÂpine Marines at Philippine Army sa pangamba na mayroon umanong iregularidad.
Ang Coalition Against Corruption (CAC) ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa Integrated Bar of the Philippines, Ateneo School of Government, Catholic Bishops Conference of the Philippines at Makati Business Club.
Sa sulat ng CAC kay Gazmin, nais nitong ilantad ang umano’y ‘minutes’ ng lahat ng Bids and Awards Committee meeting na may kinalaman sa pagbili ng mga kagamitan ng mga sundalo, post qualification summary report at transcript ng lahat ng pinag-usapan sa pulong.
Lumalabas na nagpa-bidding ang BAC para sa delivery ng 44,080 piraso ng armor vests ng Marines at Army na umaabot sa P1.763 bilyon kung saan apat na kompanya ang kuwalipikado na sumali sa bidding kabilang na ang Kolon Global Corp. na may pinakamababang halaga na P800 milyon na sinundan ng Mercata na P1.2 bilyon.
Tinanggap ng BAC ang proposal ng Kolon subalit bigla na lamang itong diniskuwalipika matapos umanong hindi pumasa sa kanilang requirement. Subalit taliwas naman ang resulta nang magtungo sa South Korea ang CAC at BAC.
- Latest