MANILA, Philippines - May 491 bagong kaso ng HIV-AIDS na naitala ang Department of Health nitong Oktubre 2013.
Ayon kay Assistant Health Secretary Eric Tayag, maituturing na itong pinakamataas na monthly number ng mga bagong kaso simula 1984.
Sa ulat ng Philippine HIV and AIDS Registry ng DOH-NEC, ang natuÂrang mga bagong kaso ng sakit ay 66% mas mataas kumpara sa 295 na nai-rekord noong Oktubre 2012.
Dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa 4,072 ang HIV cases sa bansa sa taong 2013 (Enero hanggang Oktubre pa lamang) at 15,774 naman simula Enero 1984, kung kailan sinimulan ng DOH ang regular monitoring sa HIV-AIDS cases sa bansa.
Karamihan sa mga bagong kaso o 94% ay mga lalaki at 60% naman ay nasa pagitan ng 20-29 year age group.
Sexual contact pa rin ang nangungunang mode of transmission sa bilang na 445, sumunod ang needle sharing among injecting drug users (45) at mother-to-child transmission (1).
Karamihan ay naitala sa National Capital Region, Region 4A at Region 7.
Ayon pa sa DOH, mula Enero 1984 hanggang Oktubre 2013 ay nakapagtala na sila ng 856 pasyente na nasawi dahil sa HIV kung saan 669 (78%) sa mga ito ay mga lalaki.
Nasa 148 ang nasawi simula Enero-Oktubre 2013 at lima sa mga ito ay nasawi lamang nitong Oktubre.