MANILA, Philippines - Aabot sa P40.9 bilyon ang ilalaan umano ng gobyernong Aquino para sa rehabilitasyon ng Visayas Region partikular ang mga sinalanta ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Presidential Communications OpeÂrations Office Secretary Herminio Coloma Jr., magiging prayoridad ng gobyerno ang mga lokalidad na nasa 50-kilometer zone na tinamaan ng mata ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas at karatig lalawigan.
Pinalantsa na umano ni Pangulong Aquino at kanyang Gabinete ang mga programang ipatutupad at ang mabilis na rehabilitasyon.
Kabilang sa mga “first-priority zone†ang 171 munisipalidad ng 14 probinsya at anim na rehiyon.
Sakop umano ng mga nasabing munisipalidad ang 4,971 barangays sa loob ng 25,000 square meters na may populasÂyon na 6.6 milyon base sa 2010 statistics.
Inihayag ni Coloma na kabilang sa pagtutuunan ng pansin ang pagbibigay ng livelihood sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at ang pagtatayo ng mga housing at resettlement.
Sinabi ni Coloma na na-revised na ang initial estimate na P38.8 bilyon sa P40.9 bilyon na kakailanganin para sa rehabilitasyon kung saan isinama ang pangaÂngailangan sa pagtatayo ng mga local government buildings.
Pinatitiyak na rin umano ng Pangulo na maibiÂgay ang mga pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain at tirahan sa lalong madaling panahon.