^

Bansa

P40.9B gagastusin sa rehab ng Visayas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa P40.9 bilyon ang ilalaan umano ng gobyernong Aquino para sa rehabilitasyon ng Visayas Region partikular ang mga sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ayon kay Presidential Communications Ope­rations Office Secretary Herminio Coloma Jr., magiging prayoridad ng gobyerno ang mga lokalidad na nasa 50-kilometer zone na tinamaan ng mata ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas at karatig lalawigan.

Pinalantsa na umano ni Pangulong Aquino at kanyang Gabinete ang mga programang ipatutupad at ang mabilis na rehabilitasyon.

Kabilang sa mga “first-priority zone” ang 171 munisipalidad ng 14 probinsya at anim na rehiyon.

Sakop umano ng mga nasabing munisipalidad ang 4,971 barangays sa loob ng 25,000 square meters na may populas­yon na 6.6 milyon base sa 2010 statistics.

Inihayag ni Coloma na kabilang sa pagtutuunan ng pansin ang pagbibigay ng livelihood sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo at ang pagtatayo ng mga housing at resettlement.

Sinabi ni Coloma na na-revised na ang initial estimate na P38.8 bilyon sa P40.9 bilyon na kakailanganin para sa rehabilitasyon kung saan isinama ang panga­ngailangan sa pagtatayo ng mga local government buildings.

Pinatitiyak na rin umano ng Pangulo na maibi­gay ang mga pangunahing pangangailangan katulad ng pagkain at tirahan sa lalong madaling panahon.

vuukle comment

AABOT

COLOMA

EASTERN VISAYAS

OFFICE SECRETARY HERMINIO COLOMA JR.

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPE

VISAYAS REGION

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with