MANILA, Philippines - Inihalintulad ni Pangulong Aquino sa kabayanihan at dedikasyon ni Bonifacio at ng mga Filipino na lumaban sa mga Kastila noong 1986 revolution, ang ipinakitang nasyonalismo ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor na tumulong sa kanilang mga kababayan na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Sa kanyang mensahe kahapon sa paggunita sa ika-150 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, sinabi ng Pangulo na ang monumento ni Bonifacio ay kumakatawan sa mga ordinaryong Filipino na nakahanda palaging tumugon sa tawag ng panahon at sa mga naÂngangailangan.
“Kung mapapansin, sila ang kumakatawan sa karaniwang Pilipino—nakayapak, nakarolyo ang manggas, at hitik sa pawis ang mga bisig—sila ang tumugon sa panawagan ng Inang Bayan upang magkaisa at maghatid ng makabuluhang pagbabago sa bansa,†anang Pangulo.
“Hindi nalalayo sa bantayog na ito ang mga Pilipinong tumindig at nag-alay ng kanilang bisig para sa kapwa nitong nagdaang bagyo,†dagdag ni PNoy.
Nagkaisa umano ang mga sundalo, pulis, bumbero, nurses, mga doktor at itinaya ang kanilang buhay para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyo.
Idinagdag din ni Aquino na sa oras ng pangaÂngailangan lumalabas ang kabayanihan ng mga Filipino.
Si Bonifacio aniya ang kumakatawan sa katapaÂngan at determinasyon ng mga ordinaryong Filipino.
“Hangga’t mayroong nananatiling nakatindig na bantayog ni Andres Bonifacio, hangga’t may bandila tayong matayog na nakapaskil sa kalangitan, ituloy natin ang laban para sa mas makabuluhang kinabukasan ng buong sambayanan,†wika ni Aquino.