^

Bansa

Pagtutulungan ng mga Pinoy sa ‘Yolanda’ inihalintulad sa kabayanihan ni Bonifacio

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihalintulad ni Pangulong Aquino sa kabayanihan at dedikasyon ni Bonifacio at ng mga Filipino na lumaban sa mga Kastila noong 1986 revolution, ang ipinakitang nasyonalismo ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor na tumulong sa kanilang mga kababayan na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Sa kanyang mensahe kahapon sa paggunita sa ika-150 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio, sinabi ng Pangulo na ang monumento ni Bonifacio ay kumakatawan sa mga ordinaryong Filipino na nakahanda palaging tumugon sa tawag ng panahon at sa mga na­ngangailangan.

“Kung mapapansin, sila ang kumakatawan sa karaniwang Pilipino—nakayapak, nakarolyo ang manggas, at hitik sa pawis ang mga bisig—sila ang tumugon sa panawagan ng Inang Bayan upang magkaisa at maghatid ng makabuluhang pagbabago sa bansa,” anang Pangulo.

“Hindi nalalayo sa bantayog na ito ang mga Pilipinong tumindig at nag-alay ng kanilang bisig para sa kapwa nitong nagdaang bagyo,” dagdag ni PNoy.

Nagkaisa umano ang mga sundalo, pulis, bumbero, nurses, mga doktor at itinaya ang kanilang buhay para tulungan ang mga naapektuhan ng bagyo.

Idinagdag din ni Aquino na sa oras ng panga­ngailangan lumalabas ang kabayanihan ng mga Filipino.

Si Bonifacio aniya ang kumakatawan sa katapa­ngan at determinasyon ng mga ordinaryong Filipino.

“Hangga’t mayroong nananatiling nakatindig na bantayog ni Andres Bonifacio, hangga’t may bandila tayong matayog na nakapaskil sa kalangitan, ituloy natin ang laban para sa mas makabuluhang kinabukasan ng buong sambayanan,” wika ni Aquino.

ANDRES BONIFACIO

AQUINO

BONIFACIO

GAT ANDRES BONIFACIO

INANG BAYAN

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SI BONIFACIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with