Pagbakasyon desisyon ni Biazon
MANILA, Philippines - Nasa desisyon na ni Customs Commissioner Ruffy Biazon kung maghahain ito ng leave of absence matapos makasama sa ikalawang batch ng mga opisyal ng gobyerno na inirekomenda ng National Bureau of Investigation na sampahan ng kaso kaugnay sa P10 bilyong pork barrel scam.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr. kung legal na aspeto ang pag-uusapan, dadaan pa sa review at evaluation process ng Ombudsman ang kaso ni Biazon at iba pang inireklamo ng NBI na kasuhan sa Sandiganbayan pero sa ngayon ay wala pang batayang legal para mag-leave si Biazon.
Pero sa tanong kung dapat ng bumaba sa puwesto si Biazon dahil sa delicadeza, sinabi ni Coloma na indibidwal na desisyon ang tinatawag na delicadeza.
Inihayag din ni Coloma na balak ni Pangulong Aquino na kausapin si BiaÂzon matapos makasama sa 2nd batch na nadawit sa pork barrel scam.
Wala rin umanong impormasyon si Coloma sa mga kumakalat na ispekulasyon na balak ng tanggalin ng Pangulo sa puwesto si Biazon.
Matatandaan na isa sa mga binanatang ahensiya ng Pangulo sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address ang BoC pero sa kabila nito ay hindi bumaba sa puwesto si Biazon.
- Latest