13th month, Xmas bonus ng mga pulis ipinalabas
MANILA, Philippines - Ipinalabas na ng PNP ang P1.8 bilyon para sa 13th month at Christmas bonus ng 148,000 aktibong miyembro ng pambansang pulisya partikular ng mga pulis sa Eastern Visayas para magamit sa kanilang mga paÂngangailangan matapos masalanta ni Yolanda.
Kahapon ay binisita ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang himpilan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Tacloban City at namahagi ng tig P71,000 bawat isa sa naulilang pamilya ng anim na pulis na nasawi sa super bagyo.
Bukod dito ay makakatanggap din ng insurance benefits ang pamilya ng mga nasawing pulis na aabot sa P2.3 milyon.
Namigay din ng 4,000 relief goods si Purisima sa may 3,187 PNP personnel; 1,500 police uniforms kabilang ang athletic at camouflage uniforms at bagong sapatos sa mga pulis na naapektuhan ng matinding kalamidad.
Karagdagang P10,000 benepisyo rin ang tinanggap ng pamilya ng nasawing anim na pulis at tig-P5,000 naman sa 16 nasugatan at tig-3,000 sa may 453 pulis na nasalanta ng bagyo.
- Latest