^

Bansa

Biazon, 33 pa kinasuhan sa ‘pork’ scam

Doris Borja at Angie Dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tanggapan ng Ombudsman si dating Muntinlupa congressman at ngayo’y Customs Commissioner Ruffy Biazon kaugnay sa multi-billion peso pork barrel scam kasama ang 33 pang indibidwal na kinabibilangan ng anim na mga dating kongresista.

Ang ilan pang nahaharap sa katiwalian at malversation gayundin ng direct bribery ay sina Douglas Cagas (P9.3 million) at Marc Douglas Cagas IV (P5.54) ng Davao del Sur, Arthur Pinggoy Jr. ng South Cotabato (P7.05 million), Salacnib Baterina mula sa Ilocos Sur (P7.5 million), Arel Olano ng Davao del Norte (P3.175 million) at Rodolfo Valencia ng Oriental Mindoro (P2.4 million).

Ang mga dating mam­babatas ay inakusahan nang paglipat ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel sa bogus na non-governmental organizations (NGOs) ni Janet Lim Napoles kapalit ng malaking halaga na kickbacks.

Samantala umaabot din sa 27 pang mga personalidad kasama ang 12 auditors at tatlong pinuno ng mga ahensya ang ibinilang din sa mga pinakakasuhan.

Magiging trabaho ng Ombudsman ang pagdetermina kung merong sapat na ebidensya laban sa mga ito.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Justice Secretary Leila de Lima na kaya malversation ang isinampang kaso sa mga nabanggit  at hindi plunder dahil ang kinukwestyong halaga ay hindi umano aabot sa minimum amount na P50 milyon.

Sa isyu naman kay Biazon na tinatayang ku­muha ng kickback sa P1.75 million, ayon kay de Lima hindi nila tinitingnan ang party affiliation kahit kaal­yado pa ito ni Pangulong Aquino sa Liberal Party (LP).

Dalawa namang staff na kumakatawan sa umano’y ilang congressmen ang kinasuhan din.

Ito ay sina Celia Cuasaya na may ugnayan kay Valencia at si dating Pampanga Rep. Zenaida Cruz Ducut na ngayon ay chairperson ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sinasabing kumakatawan umano ito kina Baterina, Biazon at mag-amang Cagas at kay Rep. Pinggoy.

Ang mga kinasuhan naman mula sa National Agri-Business Corporation (Nabcor), ang government corporation na sinasabing may malaki ring kickback sa PDAF ay ang mga sumusunod: Alan Javellana (ex-president at kasama rin sa 1st batch), Victor Cacal, Romulo Relevo, Ma. Ninez Guanizo, Ma. Julie Villaralvo-Johnson, Rhodora Mendoza, Francisco Figura at si Marivic Jover.

Mula naman sa Technology Resource Center (TLR) ay damay muli si Antonio Ortiz (ex-director general, na kasama sa 1st batch), Dennis Cunanan (ex-deputy at ngayon ay director general na kasama rin sa 1st batch na kinasuhan).

Pinangalanan din ni de Lima ang mga kasabwat na mga resident auditors na sina Annie Recabo (team leader sa Nabcor), Herminia Aquino (supervising auditor sa Nabcor), Rebecca Aquino, Bella Tesorero, Susan Guardian, Elizabeth Savea, Merle Valentin, Diana Casado, Aida Villania at  Laarni Lyn Torres. Ang mga nabanggit ay bahagi ng Nabcor.

Sa TRC kasama rin sa sinampahan sina Jerry Calayan (team leader sa TRC) at Sylvia Montes, supervising auditor.

Muli ring isinama sa kinasuhan ang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles, kasama ang dalawang presidente ng kanyang bogus na NGOs na sina Mylene Encarnacion ng Countrywide Agri and Rural Economic and Development Foundation Incorporated (CARED) at si Evelyn de Leon mula sa Philippine Social Development Foundation Incorported (PSDFI).

AIDA VILLANIA

ALAN JAVELLANA

ANNIE RECABO

ANTONIO ORTIZ

AREL OLANO

ARTHUR PINGGOY JR.

JANET LIM NAPOLES

NABCOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with