^

Bansa

Freeze order sa ‘pork’ solons, atbp.

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilabas ng Court of Appeals (CA) ang freeze order sa bank accounts ng 10 indibidwal na kinasuhan ng plunder kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

Sa 43-pahinang kautusan na isinulat ni Associate Justice Manuel Barrios, tatlong buwang hindi magagalaw ng dating chief of staff ni Senador Juan Ponce Enrile na si Atty. Gigi Reyes ang 38 bank accounts nito. 

Sakop din ng freeze order ang 96 bank accounts ni Ruby Tuason, dating social secretary ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada. Sinasabing naging kinatawan din si Tuason ni Sen. Jinggoy Estrada na kapwa-respondent ni Enrile sa pork scam case.

Pati ang dating chief of staff ni Sen. Bong Revilla na si Richard Cambe at staff ni Sen. Estrada na si Pauline Labayen ay kasama sa freeze order. Si Revilla ay matatandaang idinadawit din sa scam.

May ilan ding dating kongresista ang hindi makagagalaw sa kanilang bank accounts kabilang sina dating Agusan del Sur Rep. Rodolfo Plaza, dating Benguet Rep. Samuel Dangwa, dating Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula at dating APEC Party-list Rep. Edgar Valdez.

Kasama rin sina Erwin Dangwa, chief of staff ni dating­ Rep. Dangwa; at Jose Sumalpong, chief of staff ni dating Rep. Lanete. Isinama pa sa kautusan ang mga miyembro ng pamilya ng mga kongresista.

Hindi naman kasama sa freeze order ng CA sina Enrile, Estrada at Revilla bagama’t kapwa rin sila nahaharap sa kasong plunder. Ito’y dahil ang nabanggit na 10 personalidad lamang ang kasama sa petisyong inihain ng Office of the Solicitor General (OSG).

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE MANUEL BARRIOS

BENGUET REP

BONG REVILLA

CONSTANTINO JARAULA

COURT OF APPEALS

DATING

EDGAR VALDEZ

ENRILE

ERWIN DANGWA

GIGI REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with