MANILA, Philippines - Nakapasa na kahapon sa Senate Finance Committee ang P14.6 bilyong calamity funds na gagamitin sa relief, rehabilitasyon, repair at konstruksiyon ng mga lugar na napinsala ng mga nagdaang kalamidad tulad ng mga bagyong Santi, Labuyo at Yolanda, ang 7.2 lindol sa Central Visayas at sa nangyaring Zamboanga siege.
Ang nasabing panukalang calamity funds ay nakapaloob sa Senate Bill 1938 na inihain ni Senate President Franklin Drilon na kukunin sa hindi pa nagagamit na PrioÂrity Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas ngayong 2013 na idineklara ng unconstitutional ng Supreme Court.
Ayon kay Sen. Chiz Escudero, chairman ng komite, ang P14.6 bilyon supplemental fund ay makakatulong ng malaki sa mga mamamayan na naapektuhan ng kalaÂmidad.
Ipandadagdag ang nasabing pondo sa quick response funds (QRF) ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at sa President’s calamity fund.
Kabilang sa mga makakatanggap ng nasabing supplemental budget ang Department of Agriculture (repair at rehabilitasyon ng irrigation system), Education (repair at rehabilitasyon ng mga school buildings), Department of Energy (rehabilitation at electrification infrastructure), State Universities and Colleges (repair at rehabilitation ng mga academic buildings), DOH (repair/rehabilitasyon ng kalsada, tulay, government buildings at infrastructure), NHA (pagbili ng mga relocation sites at construction ng mga housing units), DOTC (repair/rehabilitasyon ng mga airports and ports) at; Local Government Units (repair ng mga rural health units at hospitals at Rehabilitation programs).
Ang PDAF na hinÂdi nagamit ng mga mamÂbabatas na balak gawing calamity funds ay may bisa lamang hanggang Disyembre 2013.