^

Bansa

P14.6B supplemental budget aprub sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakapasa na kahapon sa Senate Finance Committee ang P14.6 bilyong calamity funds na gagamitin sa relief, rehabilitasyon, repair at konstruksiyon ng mga lugar na napinsala ng mga nagdaang kalamidad tulad ng mga bagyong Santi, Labuyo at Yolanda, ang 7.2 lindol sa Central Visayas at sa nangyaring Zamboanga siege.

Ang nasabing panukalang calamity funds ay nakapaloob sa Senate Bill 1938 na inihain ni Senate President Franklin Drilon na kukunin sa hindi pa nagagamit na Prio­rity Development Assistance­ Fund (PDAF) ng mga mambabatas ngayong 2013 na idineklara ng unconstitutional ng Supreme Court.

Ayon kay Sen. Chiz Escudero, chairman ng komite, ang P14.6 bilyon supplemental fund ay makakatulong ng malaki sa mga mamamayan na naapektuhan ng kala­midad.

Ipandadagdag ang nasabing pondo sa quick response funds (QRF) ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at sa President’s calamity fund.

Kabilang sa mga makakatanggap ng nasabing supplemental budget ang Department of Agriculture (repair at rehabilitasyon ng irrigation system), Education (repair at rehabilitasyon ng mga  school buildings), Department of Energy (rehabilitation at electrification infrastructure), State Universities and Colleges (repair at rehabilitation ng mga  academic buildings), DOH (repair/rehabilitasyon ng kalsada, tulay, government buildings at infrastructure), NHA (pagbili ng mga  relocation sites at construction ng mga  housing units), DOTC (repair/rehabilitasyon ng mga  airports and ports) at; Local Government Units (repair ng mga  rural health units at hospitals at Rehabilitation programs). 

Ang PDAF na hin­di nagamit ng mga mam­babatas na balak gawing calamity funds ay may bisa lamang hanggang Disyembre 2013.

 

CENTRAL VISAYAS

CHIZ ESCUDERO

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF ENERGY

DEVELOPMENT ASSISTANCE

LOCAL GOVERNMENT UNITS

REPAIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with