MANILA, Philippines - Inatasan ni Department of Finance Secretary Cesar Purisima ang Bureau of Internal Revenue at ang Bureau of Customs na imbestigahan ang Mighty Tobacco Corporation, isang lokal na kumpanya ng sigarilyo na nakabase sa Bulacan.
Sisilipin ng BIR ang isyu ng tax evasion sa Mighty habang sisiyasatin dito ng BOC ang technical smuggling.
Ginawa ng DOF ang hakbang makaraang masentensiyahan at pagmultahin ng korte ng United States ang Mighty Tobacco corp. na lumabag umano sa Acts of Unfair competition sa mga estado nito sa California, Oregon at Oklahoma. Pinagmulta rin ang kumpanya ng $21 milyon. Idineklara rin umanong kontrabando sa tatlong US state ang mga produkto ng Mighty kaya hiniling ng mga US official na agad nang ipatupad ang hatol sa kumpanya.
Batay sa rekord ng korte, ang Mighty at ang “kasabwat†nito ay may milÂyong dolyar na pagkaka-utang sa tatlong estado na kinabibilangan ng “judgments, penalties, fees at post-judgment interests.â€
Isa sa nag-udyok kay Purisima para pakilusin ang BIR at BOC laban sa Mighty ay ang mga reklamo ng ilang lokal na kumpanya ng sigarilyo sa Pilipinas na unfair competition.
Isa sa pinaiimbestigahan ni Purisima ay kung bakit nakapagbebenta ang Mighty ng P4.47 per pack na mas mababa pa sa break even price.
Naniniwala si Purisima na posibleng may discreÂpancy ang deklarasyon ng Mighty kaugnay sa mga inilalabas nilang produkto sa pagawaan na siyang pagbabasehan para sa excise tax.
Inaalam din ng ahensya ang ulat ng independent AC Nielsen na ang Mighty ay nakapagbenta ng 614 million packs para sa unang anim na buwan ng 2013 pero ang iniulat sa BIR ay 244 million packs, lumalabas na ang undeclared solved packs ay umaabot sa 370 million na may excise tax na umaabot din sa P4.9 billion. (BQ)