MANILA, Philippines - Makakabalik na muli sa trabaho ang sinibak na PNP general na nagsabing aabot sa 10,000 ang patay sa bagyong Yolanda.
Ayon kay DILG Sec. Mar Roxas, nakarekober na sa “stress†si Police Regional Office (PRO) 8 Director P/Chief Supt. Elmer Soria dahil sa idinulot ng delubyo ng super bagyo.
Sa kasalukuyan ay sumasailalim umano sa ‘stress debriefing’ ang heneral.
“Ang standard operating procedure ng PNP, kapag merong ganito kalaking sakuna ay kailaÂngang ipa-stress debriefing yung namumuno dun dahil sila naman talaga ang nasa frontline. Biktima na nga sila, may responsibilidad pa, so yun ang dahilan kaya ipina-recall sa Crame,†paliwanag ni Roxas.
Nilinaw naman ni RoÂxas na kung hindi Regional Director ay maari namang bigyan ng iba pang puwesto ang heÂneral.
Sa kasalukuyan ay nasa floating status si Soria sa Camp Crame matapos itong sibakin bilang PRO8 Director sa Eastern Visayas Region.
Inihayag pa ni Roxas na malinis naman ang rekord at background ni Soria bilang opisyal kaya walang dahilan para hindi ito makabalik sa posisyon.