Mangrove vs storm surge aprub kay Villar
MANILA, Philippines - Pinuri kahapon ni Sen. Cynthia Villar ang naging direktiba ni Pangulong Aquino na pagtatanim ng mga mangrove forest sa coastal areas sa buong bansa bilang natural na panangga sa mapaminsalang storm surges.
Binigyan-diin ni Villar na ang pagtatanim ng mangrove trees ay magiging bahagi ng komprehensibong programa ng environmental protection na inilalatag bilang tugon sa pinsalang idinulot ng super typhoon “Yolanda.â€
Hiniling din ni Villar sa Department of Environment and Natural Resources na pagtuunan din ng pansin ang coastal areas na hindi hinagupit ni Yolanda.
“We have seen how the storm surge flooded Roxas Boulevard and caused damage to hotels and other establishments in the area. This means urban areas like Metro Manila are as vulnerable as any coastal area in the country,†wika ni Villar.
Sinabi ni Villar na dapat magkaroon ng tiyak na aksiyon ang gobyerno lalo pa’t sinabi ng mga eksperto na hindi na bago ang mga storm surges.
“We hear of records dating as far back as 1897 where 7,000 lives were lost and in 1912 where some 15,000 died in the Visayas due to typhoon and tidal waves. The experts also tell us that storm surges will be more frequent because of climate change,†dagdag niya.
Sa coastal cleanup activities na itinataguyod ng senador, kabilang dito ang pagtatanim ng mangrove trees dahil sa benepisyong makukuha mula rito.
Base sa 2012 pag-aaral ng University of Cambridge, napapabagal ng mangroves ang daloy ng tubig sa paghampas ng alon at nababawasan ang pag-agos kaya bumababa rin ang lebel ng tubig.
Nanawagan din ang senador na ipatupad ang National Greening Program na nagtatakda ng pagtatanim sa 1.5 million hectares ng land, kabilang ang mangrove reforestation.
- Latest