MANILA, Philippines - Matapos pigilin ng Court of Tax Appeal ang kanyang bank assets, nangutang si Pambansang Kamao Sarangani Rep. Manny Pacquiao para may maitulong sa mga biktima ng super bagyong Yolanda.
“Hindi ako makapag-withdraw ni isang singkong sentimo sa sarili ko pong pera, hindi ko magamit para man lang makatulong. Ang pera kong ginarnish ng BIR ay hindi po nakaw at hindi po PDAF o DAP, ito po ay galing sa lahat ng suntok, bugbog, pawis at dugo na tiniis ko sa boxing,†pahayag ng Peoples champ kaugnay sa freeze order ng CTA dahil sa kinakaharap na P2.2 billion tax case na isinampa ng BIR.
Nakatakda sanang mamahagi si Pacman ng tulong sa mga biktima ng lindol sa Bohol at bagyong Yolanda sa Tacloban City, Leyte pero napilitang mangutang makapag-donate lang sa mga biktima ni Yolanda sa Tacloban.
Kinuwestiyon din ng mambabatas ang motibo ng BIR sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya kahit na nagbigay na ang kanyang kampo ng tax requirments at impormasyon na kailangan ng ahensiya.
“The BIR claims I earned more than what I actually did, without any evidence to back it up. They ignored information given by Top Rank and HBO and insisted I have earned more. My lawyers have given them all the info that they want and they still refuse to believe. I really don’t know why I am being singled out,†wika ng kongresista.
Inatasan na rin nito ang kanyang mga abogado na gawin ang lahat ng legal na paraan upang bawiin ang desisyon ng CTA upang makapagbigay siya ng tulong sa mga biktima ng kalamidad na nangaÂngailangan ng pinansyal na tulong.
Ayon naman kay BIR Chief Kim Henares, P1.1 milyon lang na pera ni Pacman ang na-freeze dahil dalawang bangko lang ang nagsabi na may deposito rito ang pambansang kamao.
Dismayado naman sa CTA ang mga kaalyado ni Pacquiao dahil sa pagpapalabas nito ng freeze order sa bank deposits ng peoples champ.
Ayon kina Reps. Elpidio Barzaga (Dasmariñas) at Ben Evardone (Eastern Samar), kagulat-gulat at masama ang timing ng freeze order laban kay Pacquiao.
Hindi anila magandang tingnan na inilabas ang desisyon ng CTA isang araw matapos ang panalo ni Pacquiao laban kay Brandon Rios at ipinagdiwang ng buong bansa at nagbigay ng inspirasyon sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Nag-ugat ang 2.2 bilyong tax case ni Pacquiao dahil sa umano’y kabiguan nito na ideklara sa income tax returns ang milyon-milyong dolyar na kinolekta ng internal revenue service ng Estados Unidos sa mga premyo nito sa panalo sa boksing mula 2008 hanggang 2009.