Barbero, make-up artist pwedeng maging miyembro ng SSS

MANILA, Philippines - Maaari na rin maging miyembro ng Social Security System (SSS) ang mga barbero at make-up artist.

Ito ay sa sandaling pumasa ang House bill 2550 na inihain ni TUCP partylist Rep. Democrito Mendoza.

Sa ilalim ng panukala dapat alisin na ang mga naturang manggagawa sa ilalim nang depinisyon na self-employed sa SSS law.     

Paliwanag ni Mendoza, regular na pumapasok ang mga ito sa kanilang pinagtatrabahuang barber shops, salons, spas, massage parlors, wellness o fitness centers o gyms, at kahalintulad na establisimiento kaya dapat silang ikunsiderang empleyado ng kanilang employers.

Aamyendahan ng panukala ang Republic Act 1161 o Social Security Law, na mag-aalis sa mga naturang manggagawa sa depinisyon na self-employed kahit na contractual ito.

 

Show comments