^

Bansa

P300M natipid sa PDAF ni Villar

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing itinanggi kahapon ni Senator Cynthia Villar ang alegasyong hindi umano nagamit nang tama ang Priority Development Assistance Fund na ibinigay niya sa Las Pinas City. Nagbunga pa anya ito sa milyong savings at isang award-winning project na kinalala sa buong mundo.

Ipinahayag ni Villar, na naging  kongresista ng Las Pinas noong 2001  hanggang  2010 bago siya nahalal na senador, na ang kanyang PDAF ay ipinagkaloob niya sa kanyang distrito sa Las Pinas upang maiangat ang pamumuhay ng kanyang nasasakupan, partikular yaong mahihirap.

Binigyan-diin din ni Villar na,  dahil sa waste processing system na tinustusan ng pondo mula sa kanyang PDAF, nakatipid ang Las Pinas ng P300 million sa garbage disposal. Bukod dito, nabigyan din ng pagkakataong magkatrabaho ang mahihirap na mamamayan sa kanyang nasasakupang lugar.

Ani Villar, nais din niyang ilahad na ang mga proyektong pinondohan ng kanyang congressional PDAF  ay nakatuon sa rehabilitasyon ng mga ilog at iba pang daluyan ng tubig  upang maiwasan ang malaganap na pagbaha para mapangalagaan ang buhay at pag-aari ng ating mga kababayan.

Ipinagmalaki ni Villar na noon 2011, nakamit ng Las Pinas-Zapote River Rehabilitation Program ang “Best Water Management Practice Award” mula sa United Nations Water for Life event sa Zaraogoza,  Spain. May 38 bansa ang naglaban-laban upang makamit ang parangal na ito.

Binanggit din ng senador na noon pang Agosto 28, 2012, sinagot na ng Las Pinas City ang mga isyu na tinukoy sa COA report kaugnay sa paggamit ng kanilang PDAF at alegasyon ng umano’y iregularidad kaugnay nito.

Ayon kay Villar, malinaw na may pagkakamali sa na-publish na report ng COA, partikular sa pages 410 at 412, kung saan binanggit ang dalawang magkaibang “figures”  para sa hindi naisumiteng disbursement vouchers na inisyu sa iba’t-ibang entities at indibidual.

 

ANI VILLAR

BEST WATER MANAGEMENT PRACTICE AWARD

LAS PINAS

LAS PINAS CITY

LAS PINAS-ZAPOTE RIVER REHABILITATION PROGRAM

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SENATOR CYNTHIA VILLAR

UNITED NATIONS WATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with