MANILA, Philippines - Minamadali na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng bakuna sa lahat ng mga nakalikas sa mga evacuation centers sa Visayas Region lalo na ang lubhang sinalanta ng bagyong Yolanda dahil sa umano’y naitalang kaso ng tetanus.
Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, hinahabol nila ang pagbibigay ng bakuna sa lahat ng evacuation center sa rehiyon sa loob ng anim hanggang 59 na buwan dahil sa pangambang magkaroon ng measles outbreak kasunod ng ulat na kaso ng tetanus.
Sinabi ni Tayag, pinasusuri na rin nila ang tubig dahil sa posibilidad na makainom ng maruming tubig ang mga evacuee na magresulta sa diarrhea outbreak.
Namahagi na rin sila ng hyposol, o chlorine solution dahil hindi maaaring magpakulo ng tubig dahil walang panggatong.
Maging ang sanitation sa mga evacuation center ay kanila na rin aniyang pina-iinspeksiyon upang matiyak na ligtas sa mga nagsilikas na residente.
Kinumpirma rin ni Tayag na may supply na ng tubig sa Tacloban City kasunod nang kanilang pakikipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection o BFP para sa pagrarasyon ng tubig sa lungsod.