MANILA, Philippines - Ipinangako kahapon ng Pangulong Benigno Aquino III na hindi siya aalis ng Leyte hanggat hindi okay ang sitwasyon at kalagayan ng mga naging biktima ng super bagyong si ‘Yolanda’.
Ayon sa Pangulo, nais niyang damayan sa masaklap na karanasan ang mga residente sa Leyte kaya personal niyang tutukan ang relief operations ng gobyerno.
Sinabi pa ng Pangulo, wala pa siyang eksaktong araw kung kailan siya babalik ng Maynila.
Sa ikalawang araw ni PNoy sa Leyte ay hindi pa daw siya kuntento sa naihahatid na tulong ng gobyerno sa mga biktima ng bagyo kaya nais pa niyang manatili sa lugar upang masiguro na makakarating sa bawat biktima ng bagyo ang tulong ng pamahalaan.
Wika pa ng Pangulo, sa nakalipas na isang linggo ay hindi nangyari ang mga inaasahan niya kaya mainam na siya na mismo ang tututok.
Una rito, inulan ng batikos ang Pangulong Aquino dahil sa bagal ng kilos ng gobyerno at ‘nakaamoy’ pa ang mga biktima na nahaluan na ng pulitika.
“Hanggang makontento tayong okay na ‘yung sitwasyon, na wala nang maidadagdag dito. ‘Yung marami tayong inaasahan after one week eh, hindi ko nakikita. So baka dapat eh... Kaya nandito tayo ngayon, tutok na tutok. Ulit, ano, hindi lang dito ang problema natin, siÂyempre kinukumpuni pa natin ang mga nadale ng ‘Pablo’, meron pa tayong Zamboanga, meron pa tayong Bohol, meron pa ‘yung ‘Santi’ ano. So ang gusto natin talagang maibsan ang pinagdadaanan ng lahat sa lalong madaÂling panahon,†wika pa ng Pangulo.
Samantala, siniguro naman ni Energy Sec. Jericho Petilla na maibabalik ng Department of Energy ang suplay ng kuryente sa mga binagÂyong lugar hanggang Disyembre 24.
Wika pa ni Sec. Petilla, nakahanda siyang magresign sa kanyang puwesto kapag nabigo niyang pailawan bago mag-Pasko ang mga binagyong lugar sa Samar at Leyte.