MANILA, Philippines - Umapela kahapon si Senator Aquilino “Koko†Pimentel III sa mga drug companies at maging sa mga retail stores na mag-donate ng mga gamot na lubhang kailangan ng mga survivors na nakaranas ng hagupit ng super typhoon Yolanda.
Ayon kay Pimentel, nagkakaroon na ng shortage ng gamot sa mga probinsiya ng Samar at Leyte kung saan tumigil na ang operasyon ng ilang ospital at municipal health centers dahil wala na silang maibigay na gamot sa mga pasyente.
Lubha aniyang kailaÂngan ang mga gamot na katulad ng insulin at iba pang antibiotics upang mapigilan ang pagkalat ng sakit sa gitna ng nagkalat pa ring mga bangkay na hindi pa naililibing at mga basurang hindi pa nalilinis.
Inihalimbawa ni Pimentel ang kaso ng isang ina na nakaligtas sa bagyo pero namatay rin matapos hindi mabigyan ng gamot sa isang ospital dahil nagkaubusan na ng suplay.
Kaugnay nito, hinikayat din ni Pimentel ang mga mamamayan na tumulong at magbigay ng donasyon hangga’t hindi nakakabangon ang mga lugar na sinalanta ni Yolanda.
Ginawang relief center ni Pimentel ang kanyang tanggapan kung saan tumatanggap ito na mga process goods at tulong na dadalhin sa mga probinsiya sa Visayas region na tinamaaan ng super bagyo.