Fresh grads ililibre sa mga dokumento sa pag-aplay ng trabaho

MANILA, Philippines - Isinulong ni Las Piñas Rep. Mark A. Villar ang House Bill No. 3196 na layong tuluyang mahinto na ang pagsingil sa mga bagong graduates na nag-aapply ng trabaho ng bayad sa mga dokumento.

“Kahit man lang sa maliit na paraan na ito ay makatulong tayo sa ating mga fresh graduates na marami sa kanila ay mahihirap. Kung libre na ang pag-apply, mas marami silang mga trabahong ma-aaplayan dahil hindi sila nag-aalala sa anumang bayad,” ani Villar.

Ang mga maililibre lang na babayaran ay iyung konektado sa pagbibigay ng lisensya, identification, clearance, certificate at iba pang dokumento na kinakailangan sa trabaho. Ang aplikante ay kaila­ngang graduate pa lang sa loob ng isang taon. Hindi covered ang mga bayad para sa pagkuha ng professional licensure exam mula sa PRC o pagkakaloob ng passport ng DFA.

 

Show comments