^

Bansa

Zoraida nagbabanta sa Palawan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-landfall na kahapon ng umaga ang bagyong Zoraida sa Davao Oriental at patuloy ang pagkilos pahilagang kanlurang bahagi ng bansa.

Ala-una ng hapon kahapon, si Zoraida ay namataan sa layong 28 kilometro timog ng Hina­tuan taglay ang lakas ng hangin na umabot sa 55 kilometro bawat oras at patuloy ang pagkilos hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Bunga nito, nakataas ang Signal number 1 sa Cuyo Island, Palawan at Calamian Group sa Luzon gayundin sa Siquijor, Southern Cebu, Bohol, Negros Oriental, Negros Occidental, Antique, Iloilo at Guimaras sa Visayas kasama ang Dinagat Province, Siargao Island, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley, Northern Davao del Norte, Samal Island, Bukidnon, Misa­mis Oriental, Misamis Occidental, La­nao del Norte, Lanao del Sur, North Cotabato, Camiguin Island, Northern Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur sa Mindanao. 

Sa Huwebes ng umaga ay inaasahang nasa layong 630 kilometro kanluran ng Coron, Palawan o nasa labas na ng Philippine Area of Res­ponsibility (PAR).

Bagamat palabas na umano si Zoraida sa PAR ay kailangan pa ring mag-ingat ang mga residente sa nabanggit na lugar dahil sa mga pag-uulan na patuloy na mararanasan dito

AGUSAN

CALAMIAN GROUP

CAMIGUIN ISLAND

COMPOSTELA VALLEY

CUYO ISLAND

DAVAO ORIENTAL

DEL

NORTE

ZORAIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with